PORKCHOPS HAMONADO
Marami-rami na ding recipes ang nai-post ko sa food blog kong ito. Kaya naman nape-pressure din ako kung ano pa ang pwede kong i-share o i-post. Mapapansin nyo siguro, maraming recipes dito ay yung tradisyunal at hinahaluan ko ng twist o dagdag pang sangkap para lalo pa itong mapasarap.
Kagaya nitong porkchops na ito na hinamonado ko. Ang ginawa ko, nilagyan ko pa ito ng toasted garlic at onion rings sa ibabaw. Bukod sa napasarap nito ang kabuuan ng dish naging katakamtakam din ito sa ating paningin. Di ba ang sarap tingnan? Picture pa lang ay ulam na ulam na. Hehehehe
PORKCHOPS HAMONADO
Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops
2 cups Pineapple Juice
1/2 cup Soy Sauce
2 pcs. large White Onion (cut into rings)
1 head Minced Garlic
1 cup Brown Sugar
1/3 cup Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang onion rings ng ilang sandali. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito naman ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin din sa isang lalagyan.
3. Ilagay na ang porkchops at timplahan ng pineapple juice, toyo, asin at paminta. Takpam at hayaang maluto ang karne. Maaring lagyan ng tubig o pineapple juice pa kung kinakailangan.
4. Kung malapit nang lumambot ang karne ilagay na ang brown sugar. Hayaan muli ng ilang sandali.
5. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa na may onion rings at toasted garlic sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments