SHRIMP in CHILI-GARLIC-LEMON SAUCE

Walang fix na day off sa work ang aking asawang si Jolly.   Kaya naman basta off siya at nasa bahay lang, pinipilit kong makapagluto ng ulam na gusto niya.   Ofcourse you kasya lang sa budget.   hehehehe

Nitong nakaraang off niya tinanong ko siya kung anong ulam for dinner ang gusto niya.   Ang sabi niya isda daw na sinigang.   Kaya naman pagkagaling sa work ay dumaan muna ako ng Farmers market sa Cubao para bumili ng lulutuin nga for dinner.

Kaso, wala akong nagustuhang isda na pang-sigang at sa halip nakita ko itong medyo may kalakihang hipon.   Naisip ko agad na masarap itong iluto na may chili garlic sauce at lemon.   Yung para bang nakakain natin sa paluto sa Dampa.

At ito nga ang kinalabasan ng aking nilutong hipon na sauce pa lang ay ulam na ulam na.   Try nyo din po.


SHRIMP in CHILI-GARLIC-LEMON SAUCE
 
Mga Sangkap:
1 kilo large size Shrimp
1 pc. Lemon
1 tsp. Chili Garlic Sauce (depende kung gaano ka spicy ang gusto nyo)
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1/2 cup Melted Butter
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
2.   Sunod na ilagay ang hipon at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.
3.   Lagyan ng 1/2 cup na tubig at takpan.
4.  Kapag pumula na ang hipon, ilagay na ang katas ng lemon, chili-garlic sauce at brown sugar.
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy