TORTANG DULONG


Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakakita ako ng sariwang Dulong sa mag-iisda.   Naalala ko tuloy yung nakain naming sinaing na dulong sa pinsan ng aking asawa nitong nakaraang Mahal na Araw.   Nag=uwi pa nga nito ang aking asawa dahil nagustuhan niya talaga.

Kaya naman naispan kong bumili nito pero hindi ko ito nai-saing dahil wala akong makitang dahon ng saging at tuyong kamyas na kalingan na pang-asim.   Sa halip, tinorta ko na lang ito.   At ito na nga ang kinalabasan.

Paalala lang...huwag na nating lalagyan pa ng asin ang maliliit na isdang ito dahil likas na itong maalat.  Sa halip lagyan na lang ng dagdag na seasoning para pampalasa.


TORTANG DULONG

Mga Sangkap:
1/2 kilo Sariwang Dulong
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1 cup All Purpose Flour
1/2 cup Chopped Spring Onions
1 pc. White Onion (finely chopped)
1 tsp. Garlic Powder
1 tsp. Maggic Magic Sarap
1 tsp. Sesame Oil
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang bowl batihin ang itlog at ang harina.
2.   Isama na ang iba pang mga sangkap maliban lang sa cooking oil.
3.   I-prito ito sa mantika o sa non-stick na kawali hanggang maluto ang magkabilang side.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo o kaya naman ay banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy