TUNA STEAK ALA POBRE


Tuwing Biyernes, parang nakagawian na rin namin na hindi kumain ng karne at isda ang iulam kahit na hindi Mahal na Araw.   Tayo din naman siguro ano?   Madalas nga pritong isda na may kasamang ginisang munggo ang ulam natin.  

Tamang-tama naman at nitong isang araw ay nakakita ako ng sariwang isdang tuna sa palengke.   Unang kita ko pa lang ay alam ko na kung anong luto ang gagawin ko dito.   Lalagyan ko siya ng sauce na parang bistek ang luto at lalagyan ko din ng maraming toasted na bawang para mag-ala pobre naman.

Ang laki talaga ng naidudulot nitong toasted garlic at pritong onion rings sa mga lutuin at sa presentation na din ng pagkain.   Hindi lang siya masarap sa lasa kundi masarap din sa mata.   Mga bagay na kailangang-kailangan talaga kahit na lutong bahay ang ating ginagawa.   Tama po ba?   :)


TUNA STEAK ALA POBRE

Mga Sangkap:
1 kilo Fresh Tuna (sliced about 1/2 inch thick)
10 pcs. Calamansi
3/4 cups Soy Sauce
2 pcs. White Onion (cut into rings)
2 heads Minced Garlic
1 pc. Knorr Fish Cubes or 1/2 cup Fish Stocks
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Cooking oil for frying


Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang bawat piraso ng tuna ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-prito ito hanggang maluto at pumula ang magkabilang side.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa isang sauce pan, i-prito muna ang onion rings hanggang sa medyo maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Isunod na i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown.   Hanguin sa isang lalagyan.
5.   Sunod na ilagay ang fish stock o tinunaw na fish cubes.
6.   Ilagay na din ang toyo at katas ng calamansi.
7.   Timplahan ng kaunting asin at paminta.
8.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10.   Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong tuna at lagyan ng nilutong bawang at sibuyas.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy