TURBO BROILED PORK BELLY

Kapag weekend pinipilit ko talaga na makapagluto ng masarap na ulam para sa aking pamilya.  Kahit simple lang o pangkaraniwang ulam tinitiyak kong masarap ito at magugustuhan ng aking pamilya.

Kaya naman nitong nakaraang weekend nagluto ako ng inihaw na liempo...turbo broiled pala kasi nga di pwedeng mag-ihaw sa bahay namin sa condo...hehehehe.   Komo espesyal nga ang ibihaw na ito, sa halip na calamansi katas ng lemon ang aking ginamit dito.  

Alam ko paborito naming lahat itong inihaw na liempo samahan mo pa ng pahutan na mangga sa kamatis, sibuyas at bagoong.   Panalo panigurado ang magiging kain nyo.   hehehehe



TURBO BROILED PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (about 1/2 inch thick)
1 pc. Lemon
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Garlic powder or 1 head minced Garlic
1 tsp. Freshly ground Black Pepper
1 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork belly o liempo sa lahat ng sangkap na aking binanggit.   Overnight mas mainam.
2.   Lutuin ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees hanggang sa maluto.   Baligtarin after ng mga 15 minuto.

Ihain na may kasamang sawsawan na calamansi na may toyo, kaunting suka, sibuyas at sili.

Enjoy at happy weekend!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy