BUKO, PANDAN at KAONG SALAD


Nitong nakaraan kong pagkakasakit at habang nagpapagaling, wala akong ibang magawa kung hindi mag-internet, matulog at magluto para sa aking pamilya.   At isa na nga itong salad dessert na ito na naging bunga ng aking bakasyon.   hehehehe

Nasanay na kasi din ang aking mga anak na mag-dessert pagkatapos nilang kumain.   Kaya naman pagkatapos ng maghapon nilang pagpapagod sa pag-aaral, they desserves naman siguro ng isang masarap na dessert.

Buko Pandan Salad lang talaga ang gagawin ko.   Kaso nakita ko itong bottle ng minatamis na kaong na ito nung binili ko ang minatamis na macapuno.   Naisip ko bakit hindi ko ito isama sa masarap nang buko pandan.   At ito na nga ang finished product.   Isang masarap na napakadaling lang gawin na panghimagas.   Try nyo din po.


BUKO, PANDAN at KAONG SALAD

Mga Sangkap:
3 cups Minatamis na Macapuno (in a bottle jar)
3 cups Minatamis na Kaong (in a botle jar)
1 sachet Mr. Gulaman (Green color)
1 tbsp. Pandan Essence
2 cups White Sugar or Sugar to taste
1 tetra brick Alaska Crema
5 cups Water

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang 5 cups na tubig at 2 cups na asukal na puti.
2.   Kapag kumulo na, ilagay na ang Mr. Gulaman na tinunaw sa 1 cup na tubig at pandan essence.   Halu-haluin hanggang sa mawala ang pamumuo ng iba.
3.   Ilagay sa isang kwadradong lalagyan o hulmahan hanggang sa lumamig at mabuo.
4.   Hiwain na pa-cube sa nais na laki.
5.   Sa isang bowl, paghaluin ang nilutong gulaman, minatamis na macapuno, minatamis na kaong at alaska Crema.   No need na lagyan pa ng asukal dahil matamis na ang lahat halos na mga sangkap.
6.   Palamigin muna sa fridge bago ihain.


Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy