CRISPY PORK STEAK in KARE-KARE SAUCE


Ako ang isang cook na mahilig sumubok ng kakaiba sa aking mga niluluto.   Kaya nga minsan kapag nagluto ako ng kakaiba sasabihin ng anak kong si James, "Ano yan Daddy experiment na naman?".    hehehehehe.   Marami din ang succesful at meron din namang sablay.   Hehehehe.

Katulad nitong recipe natin for today.   Crispy Pork Steak IN Kare-kare Sauce.   Yes.   Pork steak cut ang aking ginamit dito at saka ko ipinirito bago ko nilagyan ng kare-kare sauce.   Ang take note, hindi yung tradisyunal na gulay ang aking nilagay.   Okra at sigarilyas ang inilahok ko.   At hindi ako nagkamali...isang masarap na kare-kare sauce ang kinalabasan ng aking experimento.   Try nyo din po.


CRISPY PORK STEAK in KARE-KARE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak (ito yung hiwa ata a batok na parang marble ang itsura)
2 cups Cornstarch
5 pcs. Calamansi
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
1 sachet Mama Sita's Kare-kare Mix
Okra
Sigarilyas
Sitaw
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 cup Pork stock or 1 Pork cubes dissolved in 1 cup water

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork steak sa katas ng calamansi, asin at paminta.
2.   Magpakulo ng mantika sa kawali.   Dapat 1 inch ang lalim ng mantika.
3.   Ilagay sa plstic bag ang minarinade na pork steak at ang cornstarch.
4.   Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat ng mga karne.
5.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.
6.   For the sauce:   Sa isang sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
7.   Ilagay ang pork stock hanggang sa kumulo.
8.   Sunod na ilagay ang lahat na gulay at isabay na din ang kare-kare mix.   Halu-haluin.
9.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10.   To serve:   Lagyan ng nais na dami ng sauce at gulay ang bawat piraso ng crispy pork steak.

Ihain habang mainit pa na may bagoong alamang sa side.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy