GINATAANG ALIMANGO, SITAW AT KALABASA


Last Sunday, nag-uwi ng buhay na alimango ang asawa kong si Jolly.   Bigay daw ito ng isa niyang kaibigang pasyente.   Tiyak kong matataba ang mga alimango dahil mga babae ito at mabibigat.   At nang hiwain ko nga ito after kong i-steam, hitik sa taba ang bawat piraso ng alimango.

Isang luto lang ang naiisip ko kapag ganito kataba ang alimango.   Lutuin sa gata na may kasamang kalabasa at sitaw.   Yun din anggustong luto ng aking asawa.   Yun daw lamog na lamog ang kalabasa na parang sauce na.   Tama naman.   Masarap talaga ang lasa ng gata at yung natural sweetness ng kalabasa.   At eto na nga, ubos ang kanin namin ng iniulam namin ito.   hehehehehe


GINATAANG ALIMANGO, SITAW AT KALABASA

Mga Sangkap:
1.5 kilos Alimango (mainam yung babae)
300 grams Kalabasa (cut into cubes)
1 tali Sitaw (cut into 1 inch long)
2 cup Kakang Gata
2 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang alimango sa isang kaserola may asin at tubig.   Kapag kumulo na ang tubig hayaan maluto ng mga 10 minuto.   Palamigin at hiwain sa dalawa.
2.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3.   Ilagay na agad ang sitaw, kalabasa, gata ng niyog at hiniwang alimango.
4.   Timplahan na din ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap.   Takpan at hayaang maluto ang mga gulay.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
kailan po ilalagay ang gata Sir?
Dennis said…
Thanks April...di ko napansin yun ah? hehehehe. Sabay-sabay na kasama ng gulay at alimango. Pasensya na ha.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy