MY WIFE JOLLY'S BIRTHDAY DINNER

Last July 17, ipinagdiwang ng asawa kong si Jolly ang kanyang kaarawan.   Wala namang magarbong selebrasyon na nangyari.   Sa umaga, ipinagluto ko lang siya ng creamy spaghetti for long life at nag-dinner kami sa labas kasama ang aming mga anak.   Sabi ko nga sa kanya, "Sa labas na lang tayo kumain baka nagsasawa ka na sa mga luto ko".   hehehehehe.

Sa Gumbo sa Robinsons Magnolia kami nag-dinner.   Hindi pa namin na-try na kumain dito kaya ito ang napili namin.

Also, gusto naming subukan yung promo nila na makaka-save kami ng mga P710.   Bale dalawang appetizer yun at dalawang main dish.


Gusto ng may birthday ang salad kaya pinili ko itong Ceazar Salad.   Masarap siya.

Isa pa na appetizer itong Buffalo Chicken wings.   Hindi ko ito masyadong nagustuhan.   Para lang kasing inilubog sa catsup at hindi ko alam kung ano pa ang silbi ng white sauce na kasama.

Isa sa main course ay itong Seafood Jamvalaya.   Para siyang paella kaya lang parang durog na durog yung rice.   Hindi ito masyadong napansin ng aking mga anak.   Ako at ang aking asawa lang anag tumikim nito at na-take home pa namin yung natira.

Fish and Chips ang pangalawang main course na in-order namin.   I think cream dory yung fish na ginamit.   Masarap yung fries.   Kaya lang parang kulang sa seasoning ang fish fillet.

Isa pa na in-order namin ay itong 4 flavor na pizza extravaganza.   Ito ang nagustuhan ng mga bata dahil siguro sa ibat-ibang flavor.   Parang hindi lang sulit sa price niya dahil hindi naman kalakihan at ang kapal ng crust sa side.

At komo nga birthday ng aking asawang si Jolly, may free dessert na binigay ang retaurant...

.....kasabay ng pag-awit ng mga staff ng kasiya-siyang awit.   hehehehe.

Ito ang lahat ng kinain namin plus the pizza and drinks.   For me, parang hindi sulit ang aking binayaran sa mga pagkaing aming kinain sa lasa at dami ng serving.   Kung babalik pa kami sa resto na ito?   Sa palagay ko ay hindi na.   Medyo may presyo kasi ang mga pagkain dito kahit naka-promo pa.

Pero salamat na rin at nairaos namin ang kaarawan ng aking asawang si Jolly.   Siguro next year sa ibang resto naman.

  

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy