PAN-GRILLED PORK STEAK with MUSHROOM GRAVY

Weekend na naman.   Sa iba, time ito para sa gimik.   Kain sa labas...punta ng bar...manood ng sine...etc.   Pero para sa akin, weekend means a time for the family.   Pahinga sa bahay kasama ang mga kids at syempre ang pagsisimba tuwing Linggo kasama ang pamilya.

Kaya naman kapag weekend, marapat din lang na espesyal ang mga pagkaing ating ihahanda para sa ating pamilya.   Hindi naman pag sinabing espesyal ay yung mahal o malaki ang magagastos para lutuin.

Kagaya nitong recipe natin for today.   Isang dish na tamang-tamang for this weekend.   Pam-grilled Pork Steak with Mushroom Gravy.   Di ba?   Itsura pa lang ay para ka na ding kumain sa mamahaling restaurant.   At wag ka...simple din lang ang mga sangkap para lutuin ito.   Try nyo din po.


PAN-GRILLED PORK STEAK with MUSHROOM GRAVY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Steak (ito yung parte ng baboy na parang marble ang itsura)
1 pc. Lemon or 10 pcs. Calamansi
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Soy Sauce
5 cloves Minces Garlic
Salt and pepper to taste
Butter
For the Mushroom gravy:
1 small can Sliced Mushroom
1/2 cup Flour
1/2 cup Butter
2 cups Pork Stock or 2 pcs. Pork Cubes dissolve in water
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  I-marinade ang pork steak sa katas ng lemon o calamansi, worcestershire sauce, toyo, bawang, asin at paminta.   Overnight mas mainam.
2.  I-pan-grilled ito sa butter hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side.
3.  For the gravy:    Ilagay ang butter sa sauce pan
4.   Ilagay na agad ang harina at halu-haluin.
5.  Isunod na agad ang slice mushroom at pork stock.  Patuloy na haluin hanggang sa lumapot ang sauce.   Maaring lagyan pa ng harina o cornstarch depende sa lapot na nais.
6.   Tikman muna ang sauce bago timplahan pa ng asin at paminta.   I-adjust ang lasa.
7.  Ibuhos ang sauce sa nilutong pork steak.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy