PORK ADOBO with MUSHROOM

Paborito ng aming pamilya ang adobo.   Kahit sino naman siguro ay paborito din ito.   Mapa pork, chicken, beef o kung ano pa man, winner sa ating lahat ang adobo.   Kaya nga makokonsidera na pambansang ulam natin ito.

Maraming pamamaraan at mga dagdag na sangkap ang pwede nating gawin sa adobo.   Masasabi siguro nating endless ang dami nito.   At maging sa mga version na nagawa ko na, marami-rami na rin ito at may kani-kaniyang sarap talaga.


PORK ADOBO with MUSHROOM

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1/3 cup White Vinegar
1/3 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1 can Sliced Mushroom
1 tsp. Fresh Ground Black Pepper
1 tbps. Brown Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kasero pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may asin at paminta.   Hayaan itong kumulo hanggang sa maiga ang sabaw at lumambot na ang karne.
2.   Kung malapit nang lumambot ang karne o wala na halos itong sabaw, ilagay na ang bawang, sibuyas, sabaw ng mushroom, suka, toyo at brown sugar.   Takpan muli at hayaang ma-basorb ng karne ang mga flavor ng mga sangkap.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.  
4.   Huling ilagay ang mushroom at hayaan pa ng mga 5 minuto o hanggang kumonte na lang ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy