ROASTED CHICKEN in SINIGANG MIX

Marami na din akong recipes ng Roasted Chicken sa archive.   Meron na din akong recipe na gumamit ako ng sinigang mix para pang-marinade sa chicken.   Pero ano naman ang bago sa post kong ito?

Ang bago ay ang paglalagay ko ng katas ng calamansi sa marinade mix bukod pa sa sinigang mix.   Hindi ba masyado na itong aasim kung maluto?   Hindi naman.   Ang totoo may sumarap pa at nawala yung lansa factor ng manok.   At yung flavor ng sinigag mix, nanunuot talaga sa bawat himaymay ng laman ng manok.   Kaya nga kahit walang sauce ay panalo ang roasted chicken na ito.


ROASTED CHICKEN in SINIGANG MIX

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into half)
1 big sachet Sinigang sa Sampalok Mix powder
5 pcs. Calamansi
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Fresh ground Black Pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Imasahe sa palibot ng manok ang asin. 
2.  Sunod na imasahe naman ang katas ng calamansi.
3.  At panghuli ay imasahe naman ang sinigang mix.
4.   Budburan ng dinurog na paminta ang palibot ng manok at ilagay sa isang plastic bag.   Ilagay na din ang natira pang katas ng calamansi at sinigang mix at hayaang ma-marinade ng overnight.
5.   Lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang sa pumula na ang balat ng manok.

Ihain na may kasamang lechon sauce o toyo na may calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy