ANTON'S 12TH BIRTHDAY


Hindi ako nakapag-post kahapon August 8 dahil birthday ng bunso kong anak na si Anton.   Kahit medyo short sa budget ginagawan ko talaga ng paraan na maipaghanda sila kahit papaano.

Sa school na kanyang pinapasukan ay nagkaroon din ng maliit na selebrasyon.

Nagdala lang ng J.Co na donuts ang aking asawang si Jolly para sa kanyang mga ka-klase atmga guro.

Nakakatuwa naman at maging ang kanyang adviser na si Mrs. Juanson ay gumawa sa kanilang computer ng greetings para sa aking anak.

Simple lang ang dinnerna aking inihanda para sa may birthday.   Pasta with Bacon and Pesto, Cebu Style Lechn Belly, Bon Chn Style Fried Chicken, Chicken Liver and Mixed Vegetables in Cream at Blueberry Cheese Cake at Fruits para sa dessert.
 
Wala naman kaming ibang bisita.   Ang ninong lang ng may birthday na si Pareng Darwin at kasama ang kanyang asawang si Mareng Rose.

Nakakatuwa nga ang may dalapa silang cake na sobrang sarap.  Salamat :)

Natapos ang gabi na nabusog ang lahat at nagustuhan naman ang mga pagkaing aking inihanda.

Dalangin ko na sana ay lumaking malusog at masunuring bata ang anak kong si Anton.

Hanggang sa muli.......


Comments

Pandong said…
wow! happy birthday!
Anonymous said…
Happy Birthday Anton.
Sir Dennis sana po ay ipost nyo ang mga recipe ng niluto nyo..mukhang masasarap lahat at gusto ko sana itry lalo na ang pesto at bon chon chicken. :-)
Dennis said…
Salamat Pandong...:)
Dennis said…
Yes Pandong....Ipo-post ko ang lahat ng recipes ng mga pagkain na yan. Abangan mo.

Also, paki-click na lang ang mga ADS sa side basta may time ka..hehehehe..

Salamat

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy