BON CHON STYLE FRIED CHICKEN
Ito ang fourth dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton. Bon Chon Style Fried Chicken.
Sa totoo lang, 1 beses pa lang ako naka-kain nitong Bon Chon Chicken na ito. Una sa napansin ko ay yung pagkalutong ng breadings na nakabalot sa manok. Para ngang nasa shell na yung wings. hehehehe.
Hindi ako masyadong na-impress sa fried chicken na ito. Para kasing yung sauce lang ang nagdadala dun sa fried chicken. Well opinion ko lang yun. Kaya nga sa version kong ito, minarinade ko sa katas ng calamansi ang chicken wings para magkalasa din ito. Masarap! Nagustuhan din naman ng mga bisita ko.
BON CHON STYLE FRIED CHICKEN
Mga Sangkap:
15 pcs. Chicken Wings (cut bon chon style)
2 cups Rice Flour
1 tbsp. Garlic powder
1 pc. Egg (beaten)
Cold Water
8 pcs. Calamansi
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Coking Oil fro Frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken wings sa katas ng calamansi, maggie magic sarap, asin at paminta. Overnight mas mainam.
2. Sa isang bowl paghaluin ang binating itlog, rice flour, garlic powder, kaunting asin at paminta at malamig na tubig. Dapat unti-unti lang ang lagay ng tubig. Dapat kasi malapot na malapot ang batter na magagawa.
3. Magpakulo ng mantika sa kawali. Dapat mga 1 inch o higit pa ang lalim nito.
4. Ilubog ang bawat piraso ng pakpak ng manok sa ginawang batter.
5. I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang sweet chili garlic sauce o pinaghalong mustard at honey.
Enjoy!!!!

Comments