CAMARON REBOSADO
Nag-uwi ng hipon na nabalatan na ang aking asawang si Jolly nitong nakaraang araw. Nabili ata niya ito sa kanyang ka-officemate na ang asawa ay nagwo-work sa isang chinese restaurant at nakipabili siya sa pinagkukuhanan nito.
HIndi naman kalakihan yung hipon pero nabalatan na ito at wala nang ulo. Unang kita ko pa lang nito ay isang luto lang ang nasa isip ko. Gagawin ko itong Camaron Rebosado.
Ang Camaron Rebosado ay Spanish inspired dish na counter part ng Ebi Tempura ng mga Hapon. Sa nakalakihan kong luto nito, tinitimplahan ng katas ng calamansi ang hipon, nilulubog sa harinang may itlog at saka piniprito. Masarap ito na pang-ulam o pampagana na dish.
Narito naman po ang version ko.
CAMARON REBUSADO
Mga Sangkap:
1 kilo medium to large size Shrimp (alisin ang balat, ulo at yung bituka)
2 cups All Purpose flour
2 pcs. Fresh Eggs
5 pcs. Calamansi
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl i-marinade ang hipon sa asin, paminta at katas ng calamansi.
2. Sa isa pang bowl, paghaluin ang harina, itlog, tubig at kaunting asin at paminta. Haluing mabuti para makagawa ng batter. Dapat malapot ito.
3. Magpakulo ng mantika sa kawali. Dapat mga 1 inch o higit pa ang lalim nito from the bottom.
4. Ilubog ang bawat piraso ng hipon sa batter at ihulog sa kumukulong mantika.
5. Lutuin hangang sa mag-golden brown na ang kulay.
6. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawan na pinaghalong catsup at mayonaise.
Enjoy!!!!
Note:
Kung gusto ninyo, pwede din na pagka-dip sa batter ay iro-roll naman sa Japanese breadcrumbs for extra crispiness.
Thanks

Comments