CEBU STYLE LECHON BELLY
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko para sa birthday ng bunso kong anak na si Anton. Cebu Style Lechon Belly.
Actually, marami na din akong recipes ng lechon belly sa archive. Pero ang isang ito ay natutunan ko sa isang grupo ng culinary students from Cebu na nanalo sa isang cooking challenge. Tinandaan ko talaga kung papaano nila ito niluto at ito na nga ang kinalabasan. Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking kumareng Rose at kumpareng Darwin na bisita ko nung gabing yun.
CEBU STYLE LECHON BELLY
Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba)
1 pc. large Onion (chopped)
1 head Minced Garlic
Leeks (chopped)
Tanglad o Lemon Grass (white porton only, pitpitin)
1 tsp. Fresh ground Black pepper
Rock Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa parteng laman ng pork belly, hiwaan ito hanggang kalhati ng kapal ng karne. Lagyan ng hiwa na 1/2 inch ang pagitan.
2. Paghaluin ang rock salt at paminta at saka ikiskis sa pagitan ng mga hiwa at palibot ng karne.
3. Ilagay na din ang bawang, sibuyas at leeks. Tiyakin na nalalagyan ang mga pagitan na nilagyan ng hiwa.
4. Lagyan ang bawat pagitan ng hiwa ng pinitpit na tanglad.
5. I-marinade ito ng overnight.
6. Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings na ang lamang bahagi ang nasa itaas sa loob ng 45 minuto.
7. Baligtarin at ang balat naman ang nasa ibabaw.
8. Gamit ang tinidor, tusuk-tusukin ang lahat na parte ng balat.
9. Patuloy nalutuin hanggang sa pumula at mag-pop na ang balat.
10. Palamigin ng bahagya at saka hiwain.
Ihain na may kasamang sawsawang suka na may toyo, calamansi at sili.
Enjoy!!!!
Comments