CHICKEN LIVER and MIXED VEGETABLES in CREAM
Ito ang isa pa sa mga pagkaing aking inihanda para sa kaarawan ng bunso kong anak na si Anton. Chicken, Liver and Mixed Vegetables.
Last minute ko lang ito naisip na lutuin. Para kasi kakong parehong tuyo o wala man lang sauce yung unang dalawang dish na naisip kong lutuin. Isa pa, madali lang itong lutuin at sa tingin ko ay magugustuhan ito ng aking magiging bisita. Yun lang, kulang ito ng itlog ng pugo. Wala kasi akong mabili na itlog ng pugo sa SM supermarket na pinuntahan ko. Pero ganun pa man, masarap at nagustuhan ng aking bisita ang dish na ito. Try nyo din po.
CHICKEN LIVER and MIXED VEGETABLES in CREAM
Mga Sangkap:
500 grams Chicken Breast Fillet (cut into bite size pieces)
500 grams Chicken Liver (cut into bite size pieces)
500 grams Mixed Vegetables (green peas, carrots, corn)
1 pc. Red Bell Pepper (cut into small cubes)
2 cups All Purpose Cream
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
3 tbsp. Melted Butter
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Isunod na agad ang chicken breast fillet at timplahan ng asin at paminta. Hayaang masangkutsa hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Ilagay na din ang atay ng manok at lagyan ng 1/2 cup na tubig o chicken stocks. Takpan at hayaang maluto ang atay.
4. Kung luto na ang atay, ilagay na ang mixed vegetables at red bell pepper. Halu-haluin at hayaan ng 1 minuto.
5. Huling ilagay ang all purpose cream. Haluin.
6. Timplahan ng maggie magic sarap at tikman ang sauce kung okay na. I-adjust ang lasa kung kinakailangan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!
Ps. Pwede nyo ngang lagyan ng nilagang itlog ng pugo para mas lalo pang magibng katakam-takam ang inyong putahe.
Thanks
Comments