SINAING NA TULINGAN
Hindi ko nakalakihan na mag-ulam ng isdang tulingan. Wala naman kasi nito sa amin sa Bulacan. Pero nung nag-kaasawa ako ng taga Batangas (ang asawa kong si Jolly) noon ko natikman at na-appreciate ang masarap na isdang ito. Dito ko din nalaman na pinapatuyo pala ang kamyas at ito ang ipinang-aasim sa sinaing na tulingan. At dito ko din nalaman na hindi lang pala ang bigas ang sinasaing kundi ang isda din. Hehehehe.
Natutunan ko ang pagluluto ng Sinaing na Tulingan sa aking biyenang si Inay Elo. Maging ang preparation sa isda ay itinuro din niya sa akin. Matagal niluluto ang dish na ito kaya pasensya talaga ang kailangan. Dapat kasi matagal itong lutuin para mag-patis yung isda na siyang nagpapasarap dito. Also, sa palayok ito niluluto at pinabalot ng dahon ng saging ang isda para siguro hindi basta-basta madurog. Ito pong version ko ay yun pung simplified version. Wala po kasi kaming palayok sa bahay at hindi din po ganun katagal ko ito niluto. Sayang kasi ang gas. Hehehehe
SINAING NA TULINGAN
Mga Sangkap:
6 pcs. medium size Fresh Tulingan
1 cup Dried Kamyas
1 head minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1 cup Cane Vinegar
1 tsp. MSG o Maggie Magic Sarap (optional)
1 tsp. Whole Pepper Corn
Salt to taste
Banana Leaves
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang isda. Lagyan ng hiwa ang magkabilang side ng isda at saka piratin.
2. Lagyan ng asin ang palibot ng isda.
3. Balutin ang bawat piraso ng isda ng dahon ng saging.
4. Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang dried kamyas, bawang, sibuyas, suka at pamintang buo.
5. Sunod na ihilera ng ayos ang mga binalot na isda sa dahon ng saging.
6. Lagyan pa ng mga 3 tasang tubig..takpan at isalang sa kalan.
7. Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy sa loob ng mga 2 oras. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
8. Sa huling parte ng pagluluto, lagyan ng MSG o Maggie Magic Sarap....tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments