SKINLESS PAKSIW na PATA

Una po pasensya na kung ngayon lang po ulit ako nakapag-post ng recipe.   Ginamit po kasi ng asawa kong si Jolly ang digicam na ginagamit ko dito sa blog at kahapon lang po ito naibalik.

For today, isang napakadaling dish ang aking handog sa inyo.   Skinless Paksiw na Pata.   Kahit siguro hindi marunong magluto ay kayang-kayang gawin ito.   Bakit naman?   Napakasimple lang kasi kung papaano ito lutuin.

Skinless yes kasi walang balat at taba ang nabili kong pata na ito sa Robinsons Supermarket sa Robinsons Galeria.   Ewan ko kung bakit nila ito tinanggal.   Siguro para hindi masyadong nakaka-guilty pag kinakain.   hehehehe.


SKINLESS PAKSIW na PATA

Mga Sangkap:
1 kilo Skinless Pork Pata
1 cup Vinegar
1 cup Lechon Sauce
1 tsp. Whole Pepper Corn
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang bawang, sibuyas, pamintang buo at hiniwang pata ng baboy.
2.   Ilagay na din ang suka, 3 cups na tubig at mga 1 kutsarang asin (rock salt)
3.   Pakuluan ito hanggang sa lumambt ang karne.  Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang lechon sauce at brown sugar.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy