TINUTUNGANG MANOK ala MAK

Ang Tinutungang Manok ay isang dish na nagmula sa probinsya ng Bicol.   Natutunan ko ito sa pinsan kong si Mak nang i-post niya sa FB nung niluto niya ang dish na ito.   Sa picture kasi na pinost niya ay katakam-takam naman talaga ang itsura and I'm sure na masarap ito talaga.   Kaya naman nag-message ako sa kanya at nagpaturo kung papaano ito lutuin.

Actually, ang dish na ito ay para din lang tinolang manok.   Ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan ito ng gata ng niyog at medyo maanghang.   Yun lang may kahirapan ang pagpe-prepare ng gata.   Kailangan kasing sunugin ng bahagya ang kinudkod na niyog sa baga para makuha yung smokey o tutong na lasa.   Medyo matrabaho pero sulit naman kapag natikman nyo na ang finished product.   Yummy!!!!!


TINUTUNGANG MANOK ala MAK

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (about 1.5 kilos) cut into serving pieces
1 medium size Green Papaya (balatan at hiwain sa nais na laki)
2 pcs. Kinayod na Niyog
2 thumb size Ginger (cut into strips)
Dahon ng Sili
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1 tsp. Whole Pepper Corn
5 pcs. or more Siling pang-Sigang
3 tbsp. Cooking Oil
Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Para sa Gata:    Magpabaga ng uling sa kalan.   Kapag nagbabaga na, ilagay ito sa isang glass bowl at tabunan ng kinayod na niyog.   Ulit-ulitin ito hanggang sa medyo masunog na ang kinayod na niyog.
2.  Lagyan ng 1 cup na maligamgam na tubing ang niyog at saka pigain para makuha ang kakang gata.  Ulitin ang pagpiga hanggang sa maka-kuha ng 3 cup na gata.
3.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
4.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin o patis at paminta.   Haluin at hayaang masangkutsa.   Maaring takpan.
5.   Lagyan ng 2 tasang tubig at ilagay na din ang hiniwang papaya.   Takpan at hayaang maluto ang papaya.
6.  Kung malapit nang lumambot ang papaya, maaring ilagay na ang gata ng niyog at siling pang-sigang.  Hayaan ng ilang minuto.
7.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
8.   Huling ilagay ang dahon ng sili.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:  Kung gusto ninyong maanghang ang pinaka-sabaw nito, piratin lang ang siling inilagay at hayaang kumulo pa ng ilang minuto.

TY

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy