TURBO BROILED CRISPY PATA


Medyo mahirap din ang maglutong crispy pata.   Dalawang beses mo itong lulutuin at ang pinakamahirap na part ay yung pagpi-prito.  Bukod sa magastos ito sa mantika,delikado din ito sa pagtilamsik ng mantika habang piniprito.

Kaya mas mainam na lutuin na lang ito sa turbo broiler.  Bawas mantika na, bawas sa trabaho at iwas din sa tilamsik ng kumukulong mantika.

Also, sa recipe na ito, nag-inject ak ng flavor sa pata at tip para mapalutong ang balat.   Try nyo po.


TURBO BROILED CRISPY PATA

Mga Sangkap:
1 whole Pork Leg  Pata ng Baboy
Tanglad
1 head Garlic (balatan lang)
2 pcs. Onion (quartered)
2 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Whole Pepper Corn

Paraan ng Pagluluto:
1.   Hugasang mabuti ang pata at hiwaan ng sagad hanggang buto ng dalawang beses sa magkabilang side.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang tanglad, sibuyas at bawang.
3.   Ipatong sa mga sangkap ang bata at saka ilagay ang asin at paminta.   Lagyan na dijn ng tubig na dapat ay lubog ang pata.
4.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang pata.   Palamigin.
5.    Bago isalang sa turbo broiler tusuk-tusukin ng tinidor ang paligidna balat ng pata.
6.   Lutuin ito sa pinaka-mainit na settings hanggang samagh-pop ang balat at pumula.

Ihain na may kasamang sawsawan na suka na may calamansi, toyo, bawang,paminta, asin at brown sugar.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy