BINAGOONGANG PORK BELLY

Isa sa mga paborito kong pork dish itong Pork Binagoongan.   Gustong-gusto ko kasi yung lasa ng baboy at alat ng bagoong.   Di ba nga angs arap ng bagoong na maraming sahog na baboy?    hehehehe.

Ang key sa masarap na binagoongan na baboy ay yung magandang kalidad ng bagoong na gagamitin.   mainam yung hindi masyadong maalat.   Ok din yung nabibili sa supermaket na naka-bote na.   Yun lang may kamahalan ito.

Yung iba, nilalagyan pa ng gata ng niyog ang kanilang binagoongan.   Itong version ko ngayon ay wala.   Sitaw naman ang aking inilagay para may gulay din na kasama.

Yummy!!!! Tiyak kong mapaparami kayo ng kain kapag ito ang inyong ulam.   Hehehehe


BINAGOONGANG PORK BELLY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (yung manipis lang ang taba)
1 cup or more Bagoong Alamang
Sitaw (cut into 1 inch long)
1/3 cup Suka
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
5 pcs. Siling Pang-sigang
3 tbsp. Cooking Oil
2 tbsp. Brown Sugar to taste
Rock Salt and Black pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain ang pork belly o liempo ng pa-cubes.  
2.   Timplahan ito ng kaunting asin at paminta at hayaan ng ilang sandali.
3.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ito sa kaunting mantika hanggang sa mag-brown lang ng bahagya ang magkabilang side.
4.   Itabi lang ng kaunti sa gilid ng kawali ang baboy at igisa ang bawang at sibuyas.   Ilagay ang suka at hayaang masangkutsa ang karne.
5.   Lagyan ng tubig o pork stock at takpan hanggang sa medyo lumambot ang karne.
6.   Kung malapit nang lumambot ang karne ilagay na ang bagoong at brown sugar.   Halu-haluin at takpan muli.
7.   Ilagay na ang sitaw at siling pang-sigang.  Takpan muli at hayaang maluto ang sitaw.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain na may kasamang maraming kanin.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy