CHICKEN ESTOFADO ala DENNIS
Sa amin sa Bulacan ang estofado ay isang beef dish na niluto sa kung ano-anong herbs and spices at medyo manamis-namis ang lasa. Masarap ito at masarap kainin na may kasamang tinapay o monay na bagong luto.
Nitong isang araw, naisipan kong magluto ng estofado pero manok ang aking gagamitin. Nag-check ako sa net kung ano-ano ang mga sangkap na gagamitin at kung papaano ito lulutuin. Laking pagtataka ko kasi yung nakuha kong recipe ay parang adobo lang ang timpla na nilagyan ng asukal. Kaya ang ginawa ko ginamit ko ang recipe na yun at yung alam ko na lahok ng estofado sa amin sa Bulacan. Ang resulta? Isang masarap na chicken dish na tiyak kong magugustuhan nyo din.
CHICKEN ESTOFADO ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
5 pcs. Saging na Saba (balatan at hiwain sa dalawa)
1 medium size Kamote (balataan and cut into cubes)
1 cup Sweetened Pine Apple Juice
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1 medium size Onion (chopped)
2 pcs. Dried laurel leaves
1 pc. Star Anise
2 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Chopped Cashiew nuts to garnish
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na agad ang manok, dahon ng laurel, star anise at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
3. Ilagay ang pineapple juice, toyo at suka at saka takpan. Hayaan ng 5 minuto.
4. Sunod na ilagay ang saging na saba, kamote at brown sugar. Takpan muli at hayaang maluto ang kamote.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang toasted cashiew nuts.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments