Paki-click na lang po ang mga ADS...pa-birthday nyo na lang po sa akin. Many thanks :)
Anonymous said…
SIR.. BELATED HAPPY BIRTHDAY PO... Magkabirthday po pala tayo :) Im a food lover po (halata sa katawan,,, hihihi) and always visiting this site po... Sir.. More power po sayo and May God Bless you po
Salamat. Sana nilagay mo din ang pangalan mo para nakilala kita. Request ko lang sana paki-click ng mga ads kapag nagba-browse ka d2 sa blog ko. tulong mo na lang sa akin.
Kapag sinabing Pilipino food hindi mawawala ang kare-kare sa ating mga listahan. Ofcourse ang ating adobo at sinigang ang tiyak na nauuna dito. Pinoy na pinoy ang dating ng kare-kare. Bukod sa mga gulay na sahog nito, panalong-panalo din ang kasama nitong bagoong. Madali lang magluto ng kare-kare. Tambog-tambog lang ng mga sangkap ay okay na. Ang pinaka-importante na dapat nating tandaan sa dish na ito ay yung freshness ng mga gulay at ang masarap na bagoong na gagamitin. Kung hindi kasi masarap ang bagoong, parang walang buhay ang kare-kare nyo. Kare-kare is not kare-kare kung walang bagoong. To be safe, bumili na lang tayo ng mga bottled na bagoong sa supermarket. Mas masarap yung sweet and spicy ang flavor. KARE-KARE Mga Sangkap: 1 kilo Beef face o buntot ng baka (cut into serving pieces) Puso ng saging Sitaw Pechay Tagalog Talong 1 cup Ground Toasted Rice 1 cup Ground Toasted Peanuts or 1 cup peanut butter 1/2 cup Anato oil or Achuete 1 head minced Garlic 1 large Onion sliced salt...
First time ko pa lang gumawa nitong Coffee Jelly na ito. Gumawa ako nito para dessert nitong nakaraang kaarawang birthday ng pangalawa kong anak na si James. Wala akong sinundan na recipe. Basta tantya-tantya lang ang ginawa ko. Pero wag ka, kahit ako ay nagulat sa kinalabasan ng dessert na ito. Masarap. Parang yung coffee jelly na drink din na nabibili natin sa Starbucks. Kulang na lang siguro ay yung whip cream na inilalagay sa ibabaw. Hehehehe. Try nyo din po. COFFEE JELLY ni DENNIS Mga Sangkap: 2 sachet Mr. Gulaman Powder (colorless) 10 grams Instant Coffee (Great Taste) 1 tetra brick All Purpose Cream 1 tetra brick Condensed Milk Sugar to taste Paraan ng pagluluto: 1. Magpakulo ng 5 na basong tubig sa isang kaserola. 2. Kapag kumulo na ilagay naman ang tinunaw na kape sa 1 tasang tubig. 3. Ilagay na din ang asukal. ...
Nitong huling pamamalengke ko sa Farmers Market sa Cubao, nakita ko itong sariwang alamang na itinitinda sa mura lang na halaga. Isang maliit na tiklis ay P50 pesos lang. So kumuha o bumili ako ng isang maliit na tiklis. Siguro mga 1 kilo din ito. Ang alamang ay yung maliliit na hipon na kadalasang ginagawang bagoong. Sa amin sa Bulacan niluluto din namin ito na ginigisa sa bawang, sibuyas at kamatis at saka nilalahukan ng dahon ng kinchay. Inuulam namin ito kasama ang hinwang kamyas o manggang hilaw. Yummy! Nung binili ko ang alamang na ito, dalawang luto ang nasa isip kong gawin. I-torta nga ang isa at ang isan naman ay gawing bagoong. At eto na nga ang aking Tortang Alamang. Masarap itong isawsaw sa suka na may bawang o kaya naman ay sa banana catsup. Try nyo din po. TORTANG ALAMANG Mga Sangkap: 1/2 kilo Sariwang Alamang 2 pcs. Fresh Eggs 1-1/2 cups Harina 2 pcs...
Comments
Thanks again
Dennis