LUMPIANG EMBOTIDO
Yes...tama po ang basa nyo sa pangalan ng dish na ito. Lumpiang Embotido. Ito po ang isa sa mga dish na niluto nitong nakaraang kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.
Ang lumpia naman kasi ay isang dish na napaka-flexible. Kahit ano ay pwede nating ipalaman dito. Baboy, manok, gulay o kahit na prutas ay pwede din. Kaya naman naisip ko, bakit hindi ang masarap na embotido ang aking namang ipalaman? And yes! Ang sarap ng kinalabasan ng lumpiang embotido na ito.
Also, may kalakihan ang roll ng lumpiang ito. Large na lumpia wrapper ang ginamit ko. Bakit ko nilakihan? Kasi hihiwa-hiwain ko pa ito. Hihiwain pagkaluto o bago lutuin? Ang ginawa ko, niluto ko muna bago ko hiniwa. Baka kasi kako lumabasa yung palaman kung hihiwain ko muna bago i-prito. But I think pwede din na hiwain muna as long as maraming itlog kang inilagay sa palaman mo at na-freezer muna ito bago lutuin.
So far, ito siguro ang pinakamasarap kong lumpiang prito na ginawa. Try nyo din po.
LUMPIANG EMBOTIDO
Mga Sangkap:
1 kilo Giniling na Baboy
1 can (345 grams) Maling Luncheon Meat (cut into small pieces)
3 tbsp. Sweet Pickle Relish
3 pcs. Fresh Eggs
1 cup All Purpose Flour
1 large Carrot (cut into small cubes)
2 pcs. White Onions (chopped)
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
Salt to taste
40 pcs. Large Lumpia Wrapper
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa lumpia wrapper at cooking oil. Hayaan muna ng mga 30 minuto bago balutin.
2. Maglagay ng mga 2 kutsarang palaman sa lumpia wrapper at i-roll. Basain ng tinunaw na cornstarch ang dulong bahagi ng wrapper para masara ito.
3. Ilagay sa freezer ng overnight.
4. Hiwain ng mga 1 inch ang haba at saka i-prito ng lubog sa mantika. Pwede din na i-orito muna ng buo at saka hiwain.
5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet chili sauce.
Enjoy!!!!
Comments