MANGO PANNA COTTA

Dahil sa pagkapanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge 2, bukod sa culinary training na prize nila sa winner, may gift pack din na ibinigay.   Mga Alaska products syempre at marami dito ay itong Alaska Crema.

Naisip ko tuloy na gumawa ng dessert gamit ang mga produktong ito at ito ngang panna cotta ang naisip kong gawin.   Basically, ang panna cotta ay pinaghalong cream at gulaman at nilalagyan ng prutas o kung ano man ang gusto nyong i-toppings.

Sa version kong ito ang all time favorite nating mangga ang aking inihalo.   Actually, parang kapareho lang siya ng mango pudding na aking ginawa.   Yun lang ang isang ito ay puro cream ang aking ginamit.  At masasabing kong ito ang mas masarap.





MANGO PANNA COTTA

Mga Sangkap:
4 pcs. Hinog na Mangga
1 sachet Mr. Gulaman (yellow color)
2 tetra brick Alaska Crema
1 small can Evaporated Milk
Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Balatan ang mangga ang kuhanin ang laman nito.   Yung dalawang piraso hiwain ng maliliit na pa-cube at hati-hatiin sa mga llanera o hulmahan na gagamitin.   Itabi ang natitirang 2 pa.
2.   Ilagay ang gulaman powder sa 1 cup na maligamgam na tubig.
3.   I-blender ang 2 pirasong mangga kasama ang evaporated milk at ang tinunaw na gulaman powder.
4.   Sa isang kaserola painitin ang all purpose cream at asukal.  (huwag papakuluin ha)
5.   Kung mainit na ang cream, ilagay na ang binlender na mangga at gatas.  Halu-haluin.
6.   Tikman kung tama na ang tamis at i-adjust ang lasa.
7.   Isalin sa mga llanera o hulmahan na paglalagyan.
8.   Palamigin hanggang sa mag-set.

I-chill muna sa fridge bago i-serve.

Enjoy!!!!!

#cremamoments

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy