NILASING na HIPON in BUTTER GARLIC SAUCE


Ito ang last minute dish na niluto ko para sa kaarawan ng panganay kong anak na si Jake.   Nilasing na Hipon in Butter Garlic Sauce.

Last minute kasi baka kako kulangin yung mga inihanda ko na.  At para pandagdag din sa putahe naisip ko na lutuin ang hipon na ito.   Ang original plan y lutuin lang ito sa butter at garlic pero nang makita ko ang San Mig Light sa fridge, bakit hindi ko kako lagyan nito para makadagdag ng flavor  sa dish.

Masarap naman ang kinalabasan.   Ubos nga agad eh.   hehehehe


NILASING na HIPON in BUTTER GARLIC SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo medium to large size Shrimp
1 cup Beer
1/2 cup Melted Butter
1 head Minced Garlic
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang hipon.  Alisin ang sungot o balbas nito.
2.   Ibabad ang hipon sa beer ng 30 minuto.
3.   Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Isunod na ilagay ang hipon kasama na ang beer na pinagpaparan at timplahan ng asin, paminta at brown sugar.   Halu-haluin.   Takpan at hayaang maluto ng mga 2 minuto.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay ang tininaw na cornstarch para lumapot ang sauce
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang toasted garlic na ginawa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy