PORK BELLY BARBEQUE


May ibang cook na ayw na nagso-shortcut sa kanilang ginagawang pagluluto.   Yung iba nga talagang sinusunod yung recipe at yung mga sangkap na kailangang ilagay.   Yung iba naman ang gusto ay yung madali lang pamamaraan.  Kung pwede nga wag nang magluto at bumili a lang.    hehehehe

Ako both.   Depende din sa lulutuin at kung may time.   Kagaya ko na may 8 hour work, mas madalas kung ano yung madali ay yun ang aking ginagawa.   But ofcourse kapag para sa espesyal na okasyon ay hindi ko minamadali.   Maaari kasing maapektuhan yung lasa o finish product.

Sa panahon ngayon marami na ding nabibiling mga sangkap o mixes na pwede nating gamitin sa pagluluto.   Kagaya nitong Del Monte Quick n Easy BBQ marinade.  (Free advertisement ito Del Monte ha.  hehehehe)   First time ko lang gumamit nito pero nagulat talaga ako sa resulta.   Masarap at parang hindi minadali ang timpla.   Nagustuhan nga ito ng panganay kong anak na si Jake.   Ito daw ang isa sa mga ihanda ko para sa kanyang kaarawan.   Try nyo din po.

PORK BELLY BARBEQUE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (piliin yung manipis lang ang taba)
1 pouch Del Monte Quick n Easy BBQ Marinade
For the sauce:
1 tsp. Cornstarch
Freshly ground black pepper

Paraan ng pagluluto:
1.  I-marinade ang pork belly sa barbeque Sauce ng 30 minuto.   Overnight mas mainam.
2.  Lutuin sa turbo broiler o sa live na baga hanggang sa maluto.
3.   For the sauce:   Sa isang sauce pan ilagay ang marinade mix at hayaang kumulo sa katamtamang lakas ng apoy.
4.   Kapag kumulo na ilagay ang tinunaw na cornstarch at halu-haluin.
5.   Timplahan ng paminta.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain ang pork belly barbeque kasama ang sauce sa side.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy