BROILED BANGUS with SALTED EGG

Paborito ko ang Inihaw na Bangus.   Ang problema hindi naman pwedeng mag-ihaw na tinitirhan namin komo condo nga.   So ang solusyon ay ang gumamit ng turbo broiler o oven sa pagluluto.   Yun lang iba pa rin kasi yung luto sa baga.   Masarap kasi yung medyo may smokey taste.

May ilang version na din ako nitong Inihaw na Bangus sa archive.   Nakakatuwa nga at may nag-message sa akin sa Fan page ng blog kong ito na nagustuhan daw ng kanyang pamilya yung version na may cheese ang palaman.   Kapag daw hindi niya nilalagyan ng cheese hindi nauubos ang inihaw niya.   hehehehe.

In this version, nilagyan ko naman ng salted egg o itlog na pula ang palaman na aking inilagay.   One of my favorite din ang itlog na pula na may kamatis kaya naisip ko na bakit hindi ko ito ipalaman sa boneless bangus.   At yun na nga, success ang kinalabasan.



BROILED BANGUS with SALTED EGG

Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Boneless Bangus
8 pcs. Tomatoes (sliced)
3 pcs. White Onion (sliced)
6 pcs. Salted Egg (quartered)
1 small sachet Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang boneless bangus at timplahan ito ng asin, paminta at maggie magic sarap.   hayaan ng ilang sandali.
2.  Sa isang bowl, pagsama-samahin ang hiniwang kamatis at sibuyas.
3.   Ipalaman sa loob ng bangus ang pinagsamang sibuyas at kamatis at ang hiniwang itlog na pula.
4.   Balutin gamit ang aluminum foil para hindi lumbas ang palaman.
5.   Lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings sa loob ng 30 to 45 minutes.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang toyo, calamansi at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy