CHICKEN AFRITADA in SPAGHETTI SAUCE

Isa sa mga paborito nating luto sa manok ay itong Afritada.   Masarap naman talaga ito.  Pero minsan mapapansin din natin na parang nagiging boring na din ito sa ating mga anak.   Kaya naisipan kong lagyan ito ng twist para maiba naman sa panlasa at maging mas katakam-takam sa kanilang mga mata.

Naisipan kong sa halip na tomato sauce spaghetti sauce ang aking inilagay.   Nilagyan ko din ng slices na hotdogs para mas maging katakam-takam sa mata.   Nilagyan ko din ng grated para sa dagdag pang sarap.   So sino ngayong bata o young at hearts ang hindi mapaparami ang kain sa chicken afritada na ito.    Hehehehehe


CHICKEN AFRITADA in SPAGHETTI SAUCE

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 pouch Sweet Style Spaghetti Sauce
5 pcs. Jumbo Hotdogs (sliced)
2 pcs. Potatoes (quatered)
1 pc. Carrot (cut same size as the potato)
1 large Red or Green Bell Pepper  (cut same size as the potato)
1 tsp. Dried Basil
1/2 cup Grated Cheese
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
3 tbsp. Olive Oil or Ordinary Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa olive oil o mantika.
2.   Sunod na ilagay ang manok at timplahan ng asin, paminta at dried basil.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Sunod na ilagay ang patatas, carrots at spaghetti sauce.   Haluin ng bahagya at takpan muli para maluto ang patatas.
4.   Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang hotdogs at red bell pepper.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang grated cheese.   Halu-haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Anonymous said…
Simpleng simpleng twist pero swak na swak sa ating panglasa...
Claire
Dennis said…
Thanks Claire...Please continue supporting this food blog. Share it also among your relatives and friends. At thank you din sa pag-click mo ng mga ADS.

Dennis
Anonymous said…
sana po magkaroon din kayo ng video habang niluluto niyo po itong mga masasarap niyong recipe. salamat po at more power.

-ratatouille
Dennis said…
Tingnan natin...medyo matrabaho kasi....at saka digicam lang ang gamit ko...dapat siguro may tripod para steady ang kuha....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy