CREMA DE FRUTA ala DENNIS

Tamang-tama ang recipe natin for today.   Ang dessert na Crema de Fruta.   Nalalapit na kasi ang kapaskuhan at alam kong marami sa ati ang nag-iisip ng mga pagkaing pwede natin ihanda sa Noche Buena.  

Madali lang gawin ang dessert na ito.   Fruit cocktail ang pangunahing sangkap pero pwede din kayong gumamit ng fresh fruits na nais nyo.   Pero komo marami nitong fruit cocktail pag magpa-pasko, ito ang aking ginamit para sa aking bersyon.


CREMA DE FRUTA ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 can Fruit Cocktail (drain then reserve syrup)
5 pcs. Chiffon Butter Cake Bar
1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream
1 tetra brick Alaska Condensed Milk
1 sachet Mr. Gulaman (White or Clear color)
White Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.    Hiwain ang Chiffon Butter Cake bar into 1/2 inch thick at ihilera sa isang square dish.


2.    Ilagay na din ang fruit cocktail sa ibabaw ng inihilerang cake bar.


3.   Sa isang kaserola pakuluan ang fruit cocktail syrup at asukal.
4.   Tunawin ang gulaman powder sa isang tasang tubig.
5.   Ilagay na ang tinunaw na gulaman powder sa pinakuluang syrup.   Halu-haluin.
6.   Sunod na ilagay ang condensed milk at all purpose cream.   Patuloy na haluin sa katamtamang init ng apoy.
7.   Kung medyo lumapot na ang cream, ibuhos na ito sa square dish na may chiffon butter cake bar at fruit cocktail.

8.   Palamamigin hanggang sa mag-set o mabuo.
9.   I-chill muna bago i-serve.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir Dennis, bkit pag smartphone ang gamit ko d ko makita mga ads?
Claire
Dennis said…
Naku di kita masagot sa bagay na yan Claire...sa Google kasi yan eh. But I hope pag sa PC ka gumagamit at nagba-browse sa blog ko i-click mo yung mga ADs....

Salamat muli

Dennis
Anonymous said…
Na discover ko na sir dennis!!! Pag gamit cp/smartphone at nag co comment saka po nakkita at na cli clik ang mga ads!!

Claire
Dennis said…
Thanks Claire...click ng click lang ha....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy