CREMA DE FRUTA ala DENNIS
Tamang-tama ang recipe natin for today. Ang dessert na Crema de Fruta. Nalalapit na kasi ang kapaskuhan at alam kong marami sa ati ang nag-iisip ng mga pagkaing pwede natin ihanda sa Noche Buena.
Madali lang gawin ang dessert na ito. Fruit cocktail ang pangunahing sangkap pero pwede din kayong gumamit ng fresh fruits na nais nyo. Pero komo marami nitong fruit cocktail pag magpa-pasko, ito ang aking ginamit para sa aking bersyon.
CREMA DE FRUTA ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 can Fruit Cocktail (drain then reserve syrup)
5 pcs. Chiffon Butter Cake Bar
1 tetra brick Alaska Crema or All Purpose Cream
1 tetra brick Alaska Condensed Milk
1 sachet Mr. Gulaman (White or Clear color)
White Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang Chiffon Butter Cake bar into 1/2 inch thick at ihilera sa isang square dish.
2. Ilagay na din ang fruit cocktail sa ibabaw ng inihilerang cake bar.
3. Sa isang kaserola pakuluan ang fruit cocktail syrup at asukal.
4. Tunawin ang gulaman powder sa isang tasang tubig.
5. Ilagay na ang tinunaw na gulaman powder sa pinakuluang syrup. Halu-haluin.
6. Sunod na ilagay ang condensed milk at all purpose cream. Patuloy na haluin sa katamtamang init ng apoy.
7. Kung medyo lumapot na ang cream, ibuhos na ito sa square dish na may chiffon butter cake bar at fruit cocktail.
8. Palamamigin hanggang sa mag-set o mabuo.
9. I-chill muna bago i-serve.
Enjoy!!!!

Comments
Claire
Salamat muli
Dennis
Claire