LECHON KAWALI ni SHIRLEY


Yup.   Sa title pa lang ng post kong ito ay alam nyo na na hindi ako ang nagluto ng dish na ito.   Hehehehehe.   Yes.   Si Shirley na kapatid naming bunso ang nagluto nito at hindi ko mapiguilang hindi ito ma-post dahil masarap talaga.  Ito pala ang panaghalian namin nitong nakaraang Linggo na may kasama ding tinolang manok.   Wow!   sira na naman ang diet ko.   hehehehe

Ang sarap ng pagkaluto nito kaya tinanong ko sa aking kapatid kung papaano ang ginawa niyang timpla at pagluluto.   Crispy na crispy kasi yung balat at hindi nakakaumay kainin.   Lalo pa at may sawsawang suka na may bawang.   Oh my!   


LECHON KAWALI ni SHIRLEY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (pahiwa ng mga 1 inch ang kapal)
Rock Salt
2 pcs. Onion (quartered)
MSG (optional)

Paraan ng pagluluto:
1.  Pakuluan ang pork belly sa tubig na may asin, sibuyas at vetsin hanggang sa  medyo lumambot ang karne.   Palamigin at hiwa-hiwain ng pa-cube.
2.  Lagyan pa ng asin at ilagay sa freezer at hayaan ng overnight.
3.   I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa medyo pumula ang balat.  Hanguin sa isang lalagyan.
4.   I-prito muli para mas maging malutong ang balat.

Ihain na may kasanag suka na may bawang at sili o Mang Tomas Sarsa ng lechon.

Enjoy!!!!!


Comments

Marla said…
Good day, Dennis! i must say na masarap talaga ang mga luto mo. Nai-try ko na mga 4-5 dishes mo (Pork Hamonado, Binagoongan, Crabs in Sweet Chii and Garlic Sauce, Ginataang sitaw at kalabasa, Mango sago pudding) and my kids loved it! Plan ko this Christmas iluto mga dishes mo. I love your blog and it helped me a lot kung ano iluluto ko for our week's meal. Keep on cooking!
Anonymous said…
Do I fry it frozen the first time? Thanks
Dennis said…
Salamat Marla.....natutuwa ako kapag nakakabasa ako ng comment na kagaya nitong sa iyo. Atleast may saysay pala ang mga pinaggagagawa ko...hehehehe. Sana din lang paki-click ng mga Ads para maka-earn naman ako ng points sa Google.

Thanks again

Dennis
Dennis said…
Yes. Para ma-void natin yung pag-putok-putok at pagtilamsik ng mantika. Meron din kaunti pero minimal na lang.

Thanks
Dennis said…
Avoid not void...correction lang po.....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy