LECHON KAWALI ni SHIRLEY
Yup. Sa title pa lang ng post kong ito ay alam nyo na na hindi ako ang nagluto ng dish na ito. Hehehehehe. Yes. Si Shirley na kapatid naming bunso ang nagluto nito at hindi ko mapiguilang hindi ito ma-post dahil masarap talaga. Ito pala ang panaghalian namin nitong nakaraang Linggo na may kasama ding tinolang manok. Wow! sira na naman ang diet ko. hehehehe
Ang sarap ng pagkaluto nito kaya tinanong ko sa aking kapatid kung papaano ang ginawa niyang timpla at pagluluto. Crispy na crispy kasi yung balat at hindi nakakaumay kainin. Lalo pa at may sawsawang suka na may bawang. Oh my!
LECHON KAWALI ni SHIRLEY
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (pahiwa ng mga 1 inch ang kapal)
Rock Salt
2 pcs. Onion (quartered)
MSG (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang pork belly sa tubig na may asin, sibuyas at vetsin hanggang sa medyo lumambot ang karne. Palamigin at hiwa-hiwain ng pa-cube.
2. Lagyan pa ng asin at ilagay sa freezer at hayaan ng overnight.
3. I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa medyo pumula ang balat. Hanguin sa isang lalagyan.
4. I-prito muli para mas maging malutong ang balat.
Ihain na may kasanag suka na may bawang at sili o Mang Tomas Sarsa ng lechon.
Enjoy!!!!!
Comments
Thanks again
Dennis
Thanks