MIX FRUIT GELATIN
Hindi ganun kaganda ang pict nitong recipe natin for today. Pero, hindi ko pa rin mapigilan na hindi ito i-post dahil sa sarap ng lasa nito.
Yes, parang ordinaryong gelatin dessert lang siya pero dahil na rin siguro sa kombinasyon ng mga prutas na aking ginamit at sa prosesong aking idinagdag, lumabas talaga ang fruity flavor ng mga prutas.
Sa totoo lang disaster ang dessert kong ito. Nung una clear na gelatin ang aking ginamit para kako lumutang yung ibat-ibat kulay ng mga prutas. Pero laking pagtataka ko dahil hindi ito nabuo kahit na lumamig pa at nailagay ko na sa fridge. Ang ginawa ko, nag-boil ako ulit ng gulaman at nilagyan ko ng kaunting pandan essence at saka ko pinakuluan ang mga hindi nabuong clear na gelatin. At ito na nga ang kinalabasan. Isang masarap na dessert na pwedeng-pwede din nating ihanda sa nalalapit na Noche Buena.
MIX FRUIT GELATIN
Mga Sangkap:
1 sachet Mr. Gulaman (Green color)
1 tsp. Pandan Essence
White Sugar to taste
Pakwan
Hinog na Mangga
Seedless Grapes
Winter Melon
Papaya
Mansanas
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang mga prutas sa nais na laki.
2. Magpakulo ng 4 na basong tubig at asukal na puti.
3. Tunawin ang gulaman powder sa 1 tasang tubig.
4. Ibuhos ang tinunaw na gulaman at lahat ng hiniwang prutas.
5. Ilagay na din ang pandan essence. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto na patuloy na hinahalo.
6. Isalin ito sa mga hulmahan at palamigin.
Ihain na medyo malamig. Maaari ding lagyan ng cream sa ibabaw.
Enjoy!!!!!

Comments
Good luck sa iyong blog.
lage po ko din po ni check ang blog nyo kase simple at masarap ang mga recipes nyo. more power po! and more cooking!
Dennis