PAKSIW na LECHON KAWALI
Ilang linggo na akong nagke-crave sa paksiw na lechon. Kaso, bibili pa ba ako ng lechon na pagkamahal-mahal at saka ko ipa-paksiw? Although, malapit na ang Pasko at bagong taon na alam naman nating tiyak na maraming may lechon sa bahay. Pero parang di ko na mahihintay pa ang Disyembre para mapawi na ang pagke-crave ko. Hehehehe.
Kaya nitong huling pag-go-grocery namin, nakita ko itong pork belly na ito na tamang-tamang gawing lechon kawali. Masarap na ang lechon kawali, pero gusto ko talaga yung pinaksiw nito. Kaya et na ang naisagawa ko na din ang matagal ko nang kine-crave. Ang Paksiw na Lechong Kawali. Madali lang ito i-try nyo din po.
PAKSIW na LECHON KAWALI
Mga Sangkap:
About 1.3 kilos Pork Belly (whole slabs)
1 small bottle Mang Tomas Lechon Sauce
2 pcs. Red Onion (sliced)
1 head Minced Garlic
1 cup Japanese Breadcrumbs
1 cup cane Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 cup Brown Sugar
1 tsp. Freshly ground Black Pepper
6 pcs. Saging na Saba (hiwain sa dalawa)
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang palibot ng pork belly. Hayaan ng ilang sandali.
2. Lutuin ito sa turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa maluto at mag-pop na ang balat. Palamigin at hiwain ng pa-cube o sa nais na laki.
3. Sa isang heavy bottom na kaserola ilagay ang hinwang leachon kawali, sibuyas, bawang, suka, toyo at kaunting asin. Lagyan din ng mga 3 tasang tubig.
4. Pakuluan ito sa katamtamang lakas ng apoy sa loob ng mga 20 minuto.
5. Ilagay na ang toyo, Mang Tomas Lechon Sauce, saging na saba at brown sugar. Haluin ng bahagya at hayaang kumulo pa ng mga 5 minuto.
6. Ilagay ang Japanese breradcrumbs para medyo lumapot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Hindi ko nabanggit sa itaas ang twist na aking ginawa. Nilagyan ko pa kasi ito ng saging na saba to add more flavor dun sa sweetness ng sauce. Try nyo din po.
Comments