PORK STEW in BARBEQUE MARINADE


Natutuwa ako sa mga messages na natatanggap ko sa email o maging sa facebook na ang laki daw ng naitutulong ng aking food blog sa kanila.   Basta daw naghahanap sila ng recipe para sa kanilang pang-ulam nagche-check lang sila dito at marami silang natututunan.

Mahirap  naman talagang mag-isip ng pang-ulam na inihahanda natin para sa ating pamilya.   Kahit ako nahihirapan minsan kung ano ang ihahanda ko sa kanila.   Mahirap din para sa akin kasi nga may 8 hour job ako at medyo late na din ako nakakauwi sa aming bahay.  

Isa sa malaking tulong sa akin ay ang mga instant sauces and marinade mixes na available sa market ngayon.   Kapag wala akong maisip na putahe ito ang instant solution ko.

Kagaya nitong Barbeque marinade ng Del Monte, isang beses ko itong nasubukan at nagustuhan talaga ng mga anak ko ang kinalabasan.   Kaya naisipan kong ulitin ito pero hindi para sa barbeque na liempo kundi sauce para sa stew.   And yes, masarap at nagustuhan talaga ng aking mga anak.


PORK STEW in BARBEQUE MARINADE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly (cut in about 1/2 inch thick)
1 sachet Del Monte Barbeque Marinade Mix
1 tsp. freshly ground Black Pepper
2 tbsp. Brown Sugar
1 head  Minced Garlic
3 pcs. Red Onion (cut into ring or slice)
Salt to taste
2 tbsp. Cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork belly sa barbeque marinade mix ng overnight.
2.   Sa isang kaserola, igisa ang sibuyas sa mantika hanggang sa medyo maluto ito.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong lutuan, igisa naman ang bawang hanggang sa medyo pumula ito.
4.   Sunod na ilagay ang minarinade na pork belly kasama ang marinade mix.   Takpan at hayaang maluto ang karne.   Maaring lagyan ng tubig o pork stock kung kinakailangan.
5.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang paminta at brown sugar.     Halu-haluin from time to time para hindi manikit ang karne sa bottom ng kaserola.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong sibuyas.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy