STUFFED PORK BUTTERFLY

Hindi na talaga mapigilan ang papalapit na Pasko.   Amoy na amoy na natin sa paligid ang diwa at saya na dala nito.   Hindi lamang sa mga palamuti kundi maging sa mga pagkainh ating ihahanda para sa Noche Buena ay atin din pinagiisipan.

Syempre, ang gusto naman natin ay yung kakaiba o hindi pangkaraniwan nating nakakain.   At itong recipe natin for today ang isa sa mga pwede nating ikonsidera.

Stuffed Pork Butterfly.   Actually para din lang itong Pork Cordon Bleu.   Pero sa halip na ham at cheese ang ipinalaman, chopped basil, crab sticks at cheese ang aking inilagay.    Masarap.   Kakaiba talaga ang lasa.   Espesyal ang dating at alam kong magugustuhan ito ng mga kakain.   Try nyo din po.



STUFFED PORK BUTTERFLY

Mga Sangkap:
8 pcs. Butterfly cut Pork
Cheese (cut into sticks)
Crab Sticks
Fresh Basil Leaves (chopped)
Breadcrumbs
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 tbsp. Flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying


Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang bawat piraso ng karne ng asin, paminta at Maggie Magic sarap.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Palamanan ang bawat piraso ng karne ng chopped basil, cheese at crab sticks.   I-roll at isarado gamit ang tooth pick.
3.   Paghaluin ang binating itlog at harina.
4.   Ilubog ang pinalamanang karne sa binating itlog at harina at saka igulong naman sa breadcrumbs.   Ilagay muna sa isang lalagyan.   Ilagay muna sa fridge ng overnight bago i-prito.
5.   I-prito ito ng lubog sa mantika sa katamtamang lakas ng apoy.   O maaaring ding lutuin ito sa oven o turbo broiler kung ayaw nyo prito sa loob ng 30 to 45 na minuto.
6.   Palamigin sandali bago i-slice.

Ihain na may kasamang gravy or catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy