WAKNATOY ng MARIKINA : MENUDO sa amin sa BULACAN

Ang Waknatoy ay isang pork dish na kilalang-kilala sa Lungsod ng Marikina.   Isa itong espesyal na dish na makikita natin sa mga handaan kagaya ng fiesta, kasalan, binyagan at iba pa.  

Actually, ang dish na ito ay halos kapareho lang ng kilala nating Menudo.   Sa amin sa Bulacan ay ganito din ito niluluto.   Ang pagkakaiba lang marahil nito ay yung paglalagay nila ng sweet pickle relish o pickles sa dish para magkaroon ng kaunting asim at tamis.

Try nyo din po.  Pwede nyo din pong i-consider ito para sa inyong Noche Buena Feast.
 

WAKNATOY ng MARIKINA : MENUDO sa amin sa BULACAN

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into small cubes)
1/4 kilo Pork Liver (cut also into small cubes)
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 tetra pack Tomato Sauce
1 pc. large Potato (cut into cubes the same as the meat)
1 large Carrot (cut same as the potato)
1 large Red Bell Pepper  (cut same as the potato)
1 cup Garbansos (in can)
3 tbsp. Melted Butter
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 cup grated Cheese
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
2 tbsp. Vinegar
2 tbsp. Soy Sauce
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.    Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2.   Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3.   Sunod na ilagay ang suka at toyo.   Takpan at hayaan ng ilang sandali.
4.   Sunod na ilagay ang sweet pickle relish at kaunting tubig.   Takpan muli at hayaang maluto ang karne.
5.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang tomato sauce, patatas, carrots at red bell pepper.   Haluin ng bahagya at takpan muli para maluto ang patatas.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Huling ilagay ang grated cheese at ang garbansos.  Haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy