DAING na BANGUS with DRIED BASIL
Mula noong naitayo ko ang food blog kong ito, natuto akong mag-experiment sa mga putahe na pangkaraniwan din nating nakakakain. Marami din kasi sa mga nag-e-email sa akin na medyo boring na daw ang kanilang mga inuulam dahil yun at yun na din ang kanilang niluluto.
Hindi naman masama na mag-lagay ng twist sa ating mga niluluto, although minsan din ay palpak ang kinakalabasan. Huwag tayong matakot sa mga ganitong sitwasyon ang importante matuto tayo dun sa mga palpak na nagawa natin.
Kagaya nitong daing na bangus na ito. Pangkaraniwan minamarinade lang natin ito sa asin, paminta, bawang at suka. Masarap na ito sa ganitong marinade. Pero na-try nyo naba na lagyan ito ng herbs kagaya ng dried basil? Sinubukan ko at kakaiba nga ang naging lasa ng aking daing na bangus. May ganung lasa na mas lalo pang nag-pasarap sa masarap nang daing na bangus. Try nyo din po.
DAING na BANGUS with DRIED BASIL
Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
3/4 cups Cane Vinegar
1 head Minced Garlic
1 tsp. Freshly ground Black Pepper
1 tsp. Dried basil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at dried basil ang bangus.
2. Sa isang bowl paghaluin ang suka at dinikdik na paminta.
3. Ibuhos ito sa bangus at i-ipit sa mga pagitan ng laman ng bangus ang mga bawang.
4. Ibudbod ang maggie magic sarap at hayaang ma-marinade ng overnight.
5. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa maluto.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo at sili.
Enjoy!!!!

Comments