MY 1ST CHRISTMAS PARTY for 2014
Last Sunday December 7, bago pa man dumaan ang bagyong Ruby sa Luzon, nag-attend ako ng aking 1st Christmas party sa Bocaue, Bulacan. Christmas party ito ng aming batch sa high school ang Batch 83-84 ng Dr. Yanga's Francisco Balagtas Colleges.
At komo food blog ito, ang picture ng pagkaing aming kinain ang una kong inilagay. Hehehehe. Pasensya na kung hindi gaanong malinaw ang kuha. Hiniram ko din lang ang pict na yan sa ka-klase kong si Cindy. Nung naalala ko kasing kuhanan ng pict ang food ko ay naubos ko na ito. Hehehehe.
Ang mga pagkaing aming kinain ay: Pork Morcon, Lengua, Fish Fillet with Sweet and Sour Sauce, Kare-kare at Lechon Baboy.
Nakakatuwa dahil ang daming nakarating sa okasyon. Yung iba nga ay umuwi pa mula ibang bansa para lang maka-attend. Kagaya ng Pareng Ricky ko na galing pa ng Macau.
Marami ang nagbago talaga ang itsura dahil na din siguro matatanda na kami. Hehehehe. Yung iba naman ay na-maintain nila yung kanilang itsura. Kung baga, parang di sila tumatanda.
Natuwa akong nakita ang aming mga naging guro. Kagaya ni Ms. De Guzman na naging gusro namin sa Social Studies. Si Mrs. Martinez na guro namin sa Pilipino. Nandun din sina Mrs. Galvez, Ms. Jimenez na Mrs. Cruz na ngayon at si Mr. Robles na wala sa pict.
Maraming palaro at pa-raffle na nangyari ng gabing yun. Nakakatuwa ang larong trip to Jeruzalem na ang version ay unahang maka-hawak sa talong na naka-ipit sa hita ng mga kalalakihang naka-upo. And take note, mga dalaga pa ang mga contestant na kasali dito. hehehehe
Nakakatuwa din ang subuan ng saging na ito. Talaga namang tawa kami ng tawa sa nanalo.
5pm nag-start ang program. Sakto lang ang naging dating ko. Pero nauna akong umalis sa venue dahil uuwi pa ako pabalik ng Manila. Ayaw ko pa sanang umuwi kaso baka wala na akong masakyan komo papalapit na nga ang bagyo.
It is really a very memorable night. Ang makita ko ang mga dati kong ka-klase sa highschool. At kahit na hindi ko matandaan ang pangalan ng mga ka-batchmate ko na naroon, naroon pa rin yung ngiti ng bawat isa kapag nagkakatininan.
Dalangin ko na sana ay magkaroon muli ng ganitong pagkakataon sa hinaharap.
Amen
MERRY CHRISTMAS Batch 83-84!!!!!
Comments