2015 NEW YEAR CELEBRATION in BOCAUE BULACAN

Naging tradisyon na ng aming pamilya sa Bocaue Bulacan na hintayin ang pag-pasok ng Bagong Taon na magkakasama at mayroong kaunting kainan, palaro at maliit na programa.   Hindi ko na matandaan kung kailan ito nagsimula.   Sa pagka-alam ko ay maliliit pa kami ay ginagawa na namin ito.

Dati, tinatapos namin ang palaro at programa hanggang 10:30 ng gabi para makapag-handa naman ang bawat pamilya para sa Media Noche.   Pero nagsimula noong 2012, ginawa na namin ito kainan na mag-kakasama.  

Bale, nagko-contribute na lang ang bawat pamilya para sa mga pagkaing ihahanda.   Mayroong committee na nag-aasikaso sa mga ito.

Pagkatapos ng simba o misa ng alas-8 ng gabi, diretso na ang bawat pamilya sa bahay ng aming Tiya Lagring para sa salo-salo.   Mula noon pa man ay dito sa lugar na ito namin ginaganap ang salo-salong ito.


Maraming pagkain kaming pinagsaluhan.    May lechon.....

....ang Crab and Cucumber Spring Roll na ni-request ng marami.

.... may California Maki din na in-order din lang ng committee.

.... Pampano with Sweet and Sour Sauce

...  Roasted Chicken na simpleng-simple lang ang pagkaluto pero masarap.

.... Halabos na hipon sa Orange Soda.   At maraming klase ng panghimagas kagaya ng cake at mga mintamis.

Pagkatapos ng masaganang hapunan at nagsimula na ang program at ako naman ang nagpasimula ng mga palaro.

By 11:15 ay natapos na ang palaro at masaya naman naming pinanood ang mga fireworks na nag-gagandahan.    Kasabay nito ay nagkainan naman kami ng barbeque, hotdogs on sticks at mainit na goto.

Matapos ang putukan ay nagkaroon din ng kaunting inuman na sinabayan din ng kantahan sa videoke.

Tunay na napakasaya ng naging pagsalubong ng aming pamilya sa 2015.   Dalangin ko na sana ay patuloy na magkabuklod-buklod ang aming pamilya hanggang sa wakas.

Amen.

Comments

Anonymous said…
Sir, napansin ko talagang mabili yang crab and cucumber roll niyo. Mukhang talagang masarap!... Mommy Marie
Dennis said…
Yes Mommy Marie....best seller ko yan...laging nire-request basta may special gathering ang pamilya....hehehehe
Unknown said…
hi sir dennis, pwede ba magrequest ng recipe ng Crab and Cucumber Roll? madali lang bang gawin yan? balak ko kasi gumawa nyan pandagdag sa handa ng tita ko..thanks and god bless.
Dennis said…
Eto yung recipe Beth....http://mgalutonidennis.blogspot.com/2013/09/crab-sticks-and-cucumber-spring-roll.html

Enjoy!!!!
Unknown said…
thank you sir dennis...try ko muna to next week..god bless...
Dennis said…
Basta may tanong ka mag-message ka lang.

Many thanks


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy