BABY BACK RIBS in BARBEQUE SAUCE

Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Noche Buena namin sa San Jose Batangas.   Itong Baby Back Ribs in Barbeque Sauce.

Paborito ito ng aking asawa at ng aking mga anak kaya ito ang isa sa mga espesyal na putahe na aking inihanda.   Madali lang lutuin at tiyak kong magugustuhan din ito ng inyong mga mahal sa buhay.



BABY BACK RIBS in BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
About 2 kilos Baby back Ribs
1 & 1/2 cup Smokey Barbeque Sauce
1 can Sprite or 7Up Soda
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (chopped )
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1/2 cup Brown Sugar
1 tbsp. Cornstarch
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang baby back ribs sa pinaghalong Sprite, barbeque sauce, soy sauce, bawang, sibuyas, asin, paminta at brown sugar.   Overnight mas mainam.
2.   Pakuluan ang baby back ribs sa isang heavy bottom na kaserola kasama ang marinade mix.   Hayaang maluto hanggang sa lumambot.
3.   Hanguin ang baby back ribs sa pinagpakuluan at lutuin naman sa turbo broiler hanggang sa medyo umitim lang ng bahagya ang magkabilang side.
4.   For the sauce:    Pakuluan muli ang pinaglagaan ng baby back ribs at lagyan ng tinunaw na cornstarch.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.  Ang tamang lasa ay yung nag-aagaw ang tamis, alat at kaunting asim.
6.   Hiwain ang ni-roast na baby back ribs in-between bones at ilagay sa isang platter.
7.   Ubuhos sa ibabaw ang ginawang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy