BRAISED PORK CHOPS in HONEY LEMON SAUCE
Nung nag-audition ako sa Pinoy Master Chef ang dish na pinang-audition ko ay yung Braised Chicken in Honey Lemon Sauce. Nakakatuwa dahil nakapasok ako sa 1st round.
Dito ko nakuha ang inspirasyon para sa dish nating ito for today. Itong Braised Pork Chops In Honey Lemon Sauce. Madali lang lutuin ang dish na ito. Simple pero punong-puno ng flavor. Ano ba ang mamamali sa katas ng lemon at lasa ng pure honey?
Braising ay isang tecnique sa pagluluto kung saan ang pangunahing sangkap ay niluluto sa kaunting liquid. At ganitong luto nga ang ginawa ko. Sa huling parte na ng pagluluto ko nilagay yung honey para mas malasa ito sa karne at hindi masunog. Try nyo din po.
BRAISED PORK CHOPS in HONEY LEMON SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Skinless Pork Chops
1/2 cup Pure Honey
1 pc. Lemon
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
2 pcs. Red or White Onions (cut into rings)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang sibuyas sa mantika hanggang sa medyo maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod na igisa naman ang bawang hanggang sa medyo mag-brown.
3. Sunod na ilagay ang pork chops at timplahan ng asin, paminta at toyo. Lagyan din ng 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne ilagay na ang katas ng lemon at mga 1 kutsaritang lemon zest nito.
5. Ilagay na din ang pure honey at hayaang ma-coat nito ang lahat ng piraso ng pork chops.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaaring lagyan ng brown sugar kung gusto nyong mas matamis pa ang sauce.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong sibuyas.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments