CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE


Mahaba-haba din itong nakaraang bakasyon natin kung saan walang pasok ang mga opisina at mga eskwelahan dahil sa pagdalaw ng Santo Papa sa ating bansa.

Komo wala ngang pasok, naisipan kong magluto ng espesyal na tanghalian para sa aking pamilya.   Maaga akong pumunta sa Farmers market sa Cubao para mamalengke.   Hindi ko alam nung una kung ano ang lulutuin ko utnil makita ko itong alimango na punong-puno ng aligue.   Bumili ako ng mahigit isang kilo nito mga 4 na malalaking piraso at yun nga ang naisip kong lutuin.   Naisip ko ding masarap kako na gataan ito at lagyan ng chili garlic sauce.   At ito na nga ang kinalabasan.   isang masarap na pananghalian para sa mga mahal ko sa buhay.



CRABS in COCO-CHILI-GARLIC SAUCE

Mga Sangkap:
4 pcs. large size Female Crabs
2 cups Pure Coconut Milk
1 tbsp. Chili Garlic Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   I-steam muna ang alimango sa loob ng 15 minuto.    Palamigin at hatiin sa dalawa.   Gagawin ito para maluto muna ang taba ng alimango para di sumama sa sauce kapag iginisa na.
2.   Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Ilagay na gad ang alimango, gata ng niyog, chili garlic sauce at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Halu-haluin para malagyan ng sauce ang lahat na parte ng alimango.   Hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Anonymous said…
Haay, ang sarap. Kasalanan! Hehehehe....Mommy Marie
Dennis said…
No....okay lang yan Mommy Marie....basta paminsan-minsan lang....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy