INIHAW NA BANGUS with BASIL and CHEESE
May na-received akong message sa isa nating tagasubaybay na sobrang nagustuhan niya at ng kanyang pamilya ang boneless inihaw na bangus na nai-post ko sa blog kong ito na nilagyan ko pa ng grated cheese ang palaman. Sobrang papasalamat niya dahil naging standard na sa kanila na lagyan ng cheese ang palaman ng kanilang inihaw na bangus. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang aking recipe.
Dahil dito, naisipan kong magluto ulit ng inihaw na bangus na may cheese at bukod dito nilahukan ko din ang palaman ng chopped fresh basil leaves. Bukod pa dun, pinigaan ko din ng lemon ang bangus bago ko ito pinalaman. At isa na namang version ng masarap na inihaw na bangus ang aking nagawa. At eto na po yun para sa inyong lahat.
INIHAW NA BANGUS with BASIL and CHEESE
Mga Sangkap:
2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus
5 pcs. Tomatoes (sliced)
2 pcs. large size White Onion (chopped)
1 cup Chopped Fresh Basil Leaves
1 cup Grated Cheese
2 tbsp. Olive Oil
Juice from 1 pc. Lemon
Salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang boneless bangus
2. Timplahan ito ng asin, paminta, magic sarap at katas ng lemon. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Sa isang bowl paghaluin ang chopped tomatoes, onions, at fresh basil leaves. Ilagay na din ang grated cheese at olive oil. Haluin mabuti.
4. Ipalaman ito sa bangus at balutin ng aluminum foil.
5. Ihain ito sa baga or maari din itong lutuin sa oven or turbo broiler sa loob ng 30 to 45 minutes.
Ihain na may kasamang sawsawang toyo na may calamansi at sili.
Enjoy!!!!
Comments