PINOY ISPAGETI
Paborito nating mga Pilipino itong sariling version natin ng masarap na spaghetti. Ano ba ang pagkakaiba ng version nating mga Pilipino? Well, yung sa atin medyo manamis-namis yung sauce kumpara sa iba na medyo maasim dahil sa tomato sauce. Also, yung sa atin may sahog din na hotdogs bukod pa sa giniling na baboy.
Niluto ko itong Pinoy Ispageti na ito nung mismong araw ng nakaraang pasko. Ni-request kasi ng hipag kong si Lita na magluto nito para pandagdag sa Lechon baboy na panaghalian namin nung araw na yun.
Ubos ang spaghetti na ito. Hehehehe. Tamang-tama daw yung lasa at tamis ng sauce. Natuwa naman ako at nasiyahan sila.
PINOY ISPAGETI
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
1/2 kilo Giniling na Baboy
1/2 kilo Hotdogs (sliced)
1 big pouch Del Monte Pinoy Style Spaghetti Sauce
1 bar Grated Cheese
2 pcs. Red Onions (chopped)
1 head Minced Garlic
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
2 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste
3 tbsp. Cooking Oil or Olive Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions. Huwag i-over cooked. I-drain
2. Sa isang medyo malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Isunod na agad ilagay ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng giniling at magmantika na ito.
4. Sunod na ilagay ang hiniwang hotdogs at pinoy style spaghetti sauce.
5. Ilagay na din ang kalhati ng grated cheese at brown sugar. Hayaang kumulo ng bahagya.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Patayin ang apoy at ihalo ang nilutong pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta noodles.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang natira pang grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments