STEAMED BASIL CHICKEN
Mula nung maumpisahan ko ang food blog kong ito, nakagawian ko nang mag-research ng mga putahe o recipes na pwede kong subukan. At sa pagre-resarch kong ito, natutunan ko din ang pag-gamit ng mga herbs at spices na available naman dito sa atin sa Pilipinas. Isa na dito itong Basil Leaves.
Masarap ang dahong ito lalo na sa pasta dishes at mga meat dish na may sauce. Nito ko lang nalaman na pwede din pala itong gamitin at ilagay sa steamed dishes kagaya nitong dish natin for today. Sa tradisyunal na recipe ng steamed chicken, luya at leeks lang ang inilalagay. Pero sa recipe ko ngang ito, nilagyan ko din ng dried basil. Wow! ang sarap ng kinalabasan na kahit ang mga anak ko ay nagustuhan nila. Try nyo din po. Napakadali lang gawin.
STEAMED BASIL CHICKEN
Mga Sangkap:
1 whole Fresh Chicken
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Grated Ginger
1 pc. Red Onion (sliced)
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Sesame Oil
Leeks
1 pcs. Red Onion
For the Sauce:
1 tbsp. Chili-Garlic Sauce
1 tbsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tbsp. Sesame Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ng pa-butterfly ang manok. Sa breast ang gawing hiwa.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang asin, paminta, dried basil, maggie magic sarap, sesame oil at grated ginger.
3. Imasahe ito sa palibot ng katawan ng manok. Lagayan yung mag pagitan ng laman o loob na parte ng manok. Hayaan ng mga 30 minuto.
4. Sa steamer, ilagay na sapin ang leeks at ipatong dito ang minarinade na manok.
5. Ilagay sa ibabaw ng ang hiniwang sibuyas.
6. I-steam ito sa loob ng isang oras o hanggang sa maluto ang manok.
7. For the sauce: Paghaluin lang sa isang bowl ang lahat ng mga sangkap.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.
Palamigin muna ang ini-steam na manok bago hiwain. Ihain kasama ang sauce na ginawa.
Enjoy!!!!
Comments