TOCINO SPAGHETTI


Na-try nyo na bang lahukan ng tocino ang inyong spaghetti?   Ako na-try ko na nitong nakaraang araw nung walang pasok dahil sa pagbisita ng Santo Papa.

Wala naman akong pinagkopyahan ng idea na ito.   Nung magluluto kasi ako ng spaghetti para sa aming almusal, nakalimutan kong bumili pala ng giniling.   At para matuloy ang spaghetti breakfast namin na yun naisipan kong itong pork tocino na lang ang aking ilahok.   At hindi ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng aking spaghetti.   Pinoy na pinoy ang dating at mapapaulit ka talaga sa sarap.   Try nyo din po.



TOCINO SPAGHETTI

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
1/2 cup Melted Butter
1/2 kilo Pork Tocino (cut into small pieces)
300 grams Hotdogs (sliced)
1 big pouch Hunts Spaghetti Sauce (Parmesan Cheese)
1 cup Grated Cheese
2 pcs. Red Onion (chopped)
1 head minced Garlic
1 tsp. Ground Black Pepper
3 tbsp. Olive Oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.   Huwag i-overcooked.   I-drain at ilagay sa isang bowl at ihalo ang melted butter.
2.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Sunod na ilagay ang hiniwang pork tocino.   Halu-haluin para hindi manikit at masunog ang tocino hanggang sa mawala ang pagka-pula ng karne.
4.   Ilagay na din ang hotdogs at spaghetti sauce at patuloy na haluin.   Hayaang ng mga 2 minuto
5.   Timplahan ng asin at pamint.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

To serve, maglagay ng nais na dami ng spaghetti pasta at lagyan sa ibabaw ng ginawang sauce at grated cheese.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy