COCO FRUITY GELATIN


Dumalaw sa bahay ang nakatatandang kapatid ng aking asawang si Jolly na si Ate Pina nitong nakaraang Biyernes.   May dala siyang pasalubong na toasted mamon para sa mga bata.   Masarap ang mamon na ito lalo na kasabay ang mainit na kape.

Siguro nagsawa na ang mga bata sa toasted mamon na yun kaya naisipan kong gumawa ng dessert na pwedeng magamit ito.   Tamang-tama naman at may 1 can pa ng fruit cocktail sa aming cabinet at iba pang sangkap para magawa ang dessert na ito.

Nakakatuwa naman dahil nagustuhan ng aking mg anak ang dessert na ito.   Try nyo din po.



COCO FRUITY GELATIN

Mga Sangkap:
Mamon Tostado
1 can Fruit Cocktail
1 sachet Mr. Gulaman (White color)
1 can Coconut Cream
1 small can Condensed Milk
White Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ihilera sa bottom ng isang square na hulmahan o lalagyan ang mamon tostado.    Ilagay na din sa ibabaw nito ang fruit cocktail.
2.   Sa isang kaserola painitin (hindi pakuluin) ang fruit cocktail syrup kasama ang white sugar, condensed milk at coconut cream.   Halu-haluin
3.   Kung mainit na pinaghalaong sangkap, ilagay na ang tinunaw na white gulaman.   Haluin mabuti.
4.   Ibuhos ito sa hulmahan na inihanda at hayaang ma-set.
5.   Kung malamig na ilagay muna sa fridge para ma-chill pa.

I-serve ng medyo malamig.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
Gaano karaming tubig tutunawin ang gulaman
Anonymous said…
okay lang po ba kung all purpose cream ang gamitin instead of coco cream?

Thanks.
Dennis said…
Sa 1 tasang tubig ay okay na. Basta matunaw lang.
Dennis said…
Yup...pwede naman. YUn lang mas malasa ang gata ng niyog

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy